-- Advertisements --

6thID2

Boluntaryong sumuko sa militar sa Sultan Kudarat ang anim na miyembro ng communist terrorist mula sa Lake Sebu.

Ayon kay 601st Brigade Commander, B/Gen. Roy Galido, mga tropa mula sa 5th Special Forces Battalion ang siyang nag-facilitate sa pagsuko ng anim na communist terrorists bitbit ang kanilang mga armas.

“After a series of dialogues and negotiations, said former rebels realized that they have been blinded and deceived by the CTG leaders with deceitful lies and propaganda against the government that were crafted to justify their evil motives, hence, they decided to abandon their armed struggle and submit themselves to the military,” pahayag ni B/Gen. Galido.

Sa isang seremonya, iprinisinta ng militar kay South Cotabato Provincial Governor Reynaldo Tamayo sa Koronadal City ang mga sumukong rebelde.

Siniguro naman ni Gov. Tamayo ang kaniyang full commitment para suportahan ang provincial ELCAC para tuluyan nang mapulbos ang communist terrorists groups tungo sa kapayapaan at kaayusan sa probinsiya.

Tiniyak din ni 6th ID at Joint Task Force Central commander M/Gen. Diosdado Carreon na lalo pa nilang palalakasin ang kampanya laban sa mga communist terrorists at sa mga ISIS (Islamic State of Iraq and Syria)-inspired groups na kumikilos sa Central Mindanao.

6thID1

Kabilang sa mga isinukong armas ng returnees ang tig-dalawang M16 at M14 rifles, tig-isang carbine rifle at 9mm pistol, at samu’t-saring magazines at bala.

“We will intensify our information disseminations to enlighten those who are still confused and encourage them to lay down their arms. With all the positive responses we get, we will continue to welcome those who wish to embrace peace,” ang panig naman ni Western Mindanao Command Commander Lt./Gen. Cirilito Sobejana,