CAUAYAN CITY – Nakaalerto na ang anim na checkpoints na inilatag ng Department of Agriculture sa Cagayan region bilang paghahanda sa banta ng African swine fever.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Dr. Robero Busania, technical director for operations and extension ng DA Region 2, na tugon ito ng tanggapan sa ulat ng ahensya na kamakailan hinggil sa banta ng pagkalat ng naturang sakit.
Kabilang sa mga lugar na nilagyan ng checkpoint ang Santa Paredes sa Cagayan; Santa Fe at Kapaya sa Nueva Vizcaya; at Nagtipunan, Quirino.
Mayroon ding magbabantay sa sa San Pablo at Cordon sa Isabela.
Kasama ng DA na magbabantay sa checkpoints ang mga kawani ng Bureau of Animal Industry, local government unit at Philippine National Police.
Bukod sa checkpoints, tiniyak ng regional office ang mahigpit na pagsusuri sa mga alagang baboy at karne na pumapasok sa rehiyon.