-- Advertisements --

May nakahandang Zoom viewing rooms ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) para sa ilang piling indibidwal na hindi makasama ng personal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) nito bukas, Hulyo 27.

Sa isang panayam, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na tatlong hiwalay na Zoom viewing rooms ang kanilang inihanda para sa ilang Cabinet officials, local chief executives at Sangguniang Kabataan (SK) officials, at Overseas Filipino Workers.

Bukas, nakatakdang idaos ang panglimang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa complex kung saan ito nakasanayang isagawa.

Pero ayon kay Andanar, maaaring ilipat ito sa Rizal Hall sa Malacanang depende sa resulta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) testing para sa mga personal na dadalo sa SONA.

Nauna nang inanunsyo ng mga opisyal ng Kamara na kailangan sumailalim sa mandatory swab at rapid testing para sa pandemya ang lahat ng mga mambabatas at kanilang staff na personal na tutungo sa Batasang Pambansa complex para sa SONA ni Digong.