NTF VACCINE PGH COVD
-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 5,807 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Mayroon namang 9,578 na gumaling at 65 ang pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.3% (63,051) ang aktibong kaso, 96.2% (2,647,031) na ang gumaling, at 1.51% (41,585) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 21, 2021 habang mayroong dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawang laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.16% sa lahat ng samples na naitest at 0.01% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

-- Advertisement --

Samantala, may na-monitor ang DoH na 29 duplicate entries sa total case count.

Sa naturang bilang, 27 na pala ang naka-recover.

Maliban dito, may 51 cases naman na dating naisama sa recoveries, ngunit na-reclassify na patay na pala, matapos ang final validation.