dolomite people crowd residents
-- Advertisements --

Iniulat ngayon ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng 5,807 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Habang mayroon namang maraming naitala na gumaling na umaabot sa 9,578.

Sa kabila nito nasa 65 ang mga bagong pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.3% (63,051) ang aktibong kaso, 96.2% (2,647,031) na ang gumaling, at 1.51% (41,585) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 21, 2021 habang mayroong dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

-- Advertisement --

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawag laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.16% sa lahat ng samples na naitest at 0.01% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

“29 duplicates were removed from the total case count. Of these, 27 are recoveries. Moreover, 51 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation. All labs were operational on October 21, 2021 while 2 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 2 non-reporting labs contribute, on average, 0.16% of samples tested and 0.01% of positive individuals,” bahagi ng DOH advisory.