Isa ang meat processing plantations sa buong mundo ang matinding naapektuhan dahil sa coronavirus outbreak at kasama na rito ang Tyson Foods chicken processing facility sa Wilkes County, North Carolina.
Mahigit 2,200 na empleyado ng Wilkesboro plant ang sumailalim sa coronavirus testing kung saan 570 sa mga ito ang nagpositibo sa sakit. Ayon sa kumpanya hindi raw nagpakita ng kahit anong sintomas ng sakit ang mga empleyado.
“The hard part is it’s a balancing act. We’re trying to protect the community, we’re trying to protect the Tyson team members but we are also under the mandate for the federal government to do everything we can to keep that Tyson plant operating to provide food for the nation,” pahayag ni Ken Noland, town manager ng Wilkesboro.
Ito na ang ikalawang beses na pansamantalang itinigil ang operasyon ng naturang plantasyon. Una itong pinasara dahil sa hinihinalang pagkalat ng virus dito.
Kasalukuyan ding nagdagdag ang kumpanya ng mga bagong patakaran sa Wilkesboro site. Kasaman na rito ang paglalagay ng plastic dividers sa bawat workstations, araw-araw na pagche-check ng temperatura ng bawat empleyado gamit ang thermal scanner at paglalagay na rin ng tent sa labas na maaaring gamitin bilang break room.
Ngunit para sa mga labor advocates ay hindi umano ito sapat para maprotektahan ang mga empleyado at karamihan din sa mga trabahador ang hindi kumpyansa sa kanilang pagbabalik-trabaho.