-- Advertisements --
Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa 57 sako ng imported na dilaw at puting sibuyas sa Divisoria sa lungsod ng Maynila dahil sa paglabag sa Food and Safety Act.
Ito ay kasunod ng isinagawang inspeksoyon ng mga kawani ng Department of Agriculture (DA), Bureau of Plant Industry (BPI), Bureau of Customs, at Philippine Coast Guard (PCG) sa mga sibuyas na ibinibenta sa merkado.
Dinala ang mga nakumpiskang sibuyas sa quarantine office ng BPI.
Bunsod nito, haharap ang may-ari ng sibuyas sa paglabag sa Food and Safety Act.
Sa ilalim kasi ng naturang batas, ang mga imported goods ay kailangang sumailalim sa cargo inspection at mabigyan ng clearance mula sa Agriculture department.