-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tiniyak ng Iloilo Provincial Government na papauwiin ang mga pasahero mula Cebu City matapos hindi pinayagang makababa ng Iloilo Port dahil sa pangamba ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr., sinabi nito na susunduin at kaagad na ilalagay ang mga locally stranded individuals at isasailalim sa real time reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test.

Napag-alaman na nagpalabas ng standing order ang Department of Interior and Local Government na pinagbabawalan mula ang mga barko na pumasok sa mga pantalan na may byahe mula sa Cebu.

Ninilaw naman ng gobernador na hindi rin niya maaaring malagay sa alanganin ang kalusugan ng 2-milyong residente sa lalawigan ng Iloilo.

Ayon kay Defensor, ito na ang huling beses na tatangap sila ng mga locally stranded individuals.

-- Advertisement --