-- Advertisements --

Aabot sa mahigit kalahating milyon na AstraZeneca COVID-19 doses na bigay ng Poland ang dumating sa Pilipinas ngayong araw ng Linggo.

Ang shipment ng 547,100 doses ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kaninang hapon.

Dahil dito, umakyat na ang total COVID-19 vaccine supplies ng Pilipinas sa mahigit 142 million.

Ayon kay Polish Embassy Charge d’Affaires Jaroslaw Szczepankiewicz, ang donasyon na ito ay nagpapakita lamang ng pakikipagkaibigan ng dalawang bansa.

Ito ay maituturing din aniyang “expression” nang solidarity ng Poland sa mga Pilipino.

Nagpasalamat naman si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Poland dahil sa donasyon nilang ito, na gagamitin din aniya sa 3-day national vaccination drive.