Muling nagpatupad ng balasahan ang pamunuan ng PNP Civil Security Group (CSG) dahil sa katiwalian.

-- Advertisement --

Ayon kay CSG Director Police Major Gen. Roberto Fajardo na 52 mga pulis kabilang na ang 30 Police Commissioned Officers, 17 Police Non Commissioned Officers at 5 Non Uniformed personnel ang ni reshuffle.

Ito’y bilang bahagi na rin ng kanilang internal cleansing campaign.

Ayon kay Fajardo, dismayado siya sa kanyang mga tauhan dahil sa mga ulat na kanyang natatanggap na may kinalaman ang mga ito sa katiwalian.

Kasunod nito, ipinag utos ni Fajardo ang crackdown sa mga hindi awtorisadong security sa mga VIP at banyaga.