Aabot sa 51 katao ang patay dahil sa malawakang pagbaha sa probinsiya ng KwaZulu-Natal sa South Africa.

Nagsimula ang walang tigil na pag-ulan mula pa noong Lunes na nagdulot ng pagguho ng lupa sa bayan ng Durban ang pinakamalaking lungsod sa KwaZulu-Natal.

Ayon sa tagapagsalita ng gobyerno na si Lennox Mabaso, na may mga gusali ang natumba at marami ang nawalan ng bahay.

Agad namang binigyang ng pansamantalang tirahan ang mga residenteng nawalan ng tirahan dahil sa pagbaha.