atimonan

NAGA CITY – Dead on the spot ang dalawa katao habang sugatan naman ang nasa 50 iba pa sa aksidenteng kinasangkutan ng isang trailer truck at pampasaherong bus sa Diversion Road, Malinao Ilaya, Atimonan, Quezon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Staff Sgt. Jay Cristobal ng Atimonan-PNP, sinabi nitong pasado alas-12:00 kaninang madaling araw ng mangyari ang aksidente kung saan habang binabaybay ng trailer truck ang pakurbang bahagi ng lugar nang bigla itong tumagilid.

Nagtuloy-tuloy aniya sa pagsadsad ang truck hanggang sa tumama ito sa kasalubong na bus na mula sa Bicol region at patungo sanang Maynila.

Ayon kay Cristobal, agad na binawian ng buhay ang mga driver ng dalawang sasakyan habang nasa 49 katao ang kumpirmadong sugatan.

Sa ngayon ayon kay Cristobal, nagpapatuoy pa ang rescue operation dahil may mga pasahero pang naipit sa naturang mga sasakyan.