Nasagip ng mga kapulisan ang 50 babaeng biktima ng prostitusyon sa isang bar sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City.

Kasamang nilusob ng PNP ang isang KTV bar ng magpositibo ang kanilang natanggap na ulat na may nangyayaring kalaswaan sa loob ng establishimento.

Sa pagpasok ng mga otoridad ay naaktuhang sumasayaw ng walang saplot ang mga babae.

Inihahanda na ang kaso laban sa mga naarestong suspek.