Arestado ang 50 katao sa inilunsad ng anti-criminality ng Pasay City PNP.

Ayon kay Police Col. Gilber Yang, hepe ng Pasay City police, 14 sa mga naaresto ay dahil sa iligal na droga habang 15 dito ay mga barker na ipinagbabawal.

Aabot naman sa 20 ang naabutan na walang saplot sa pang-itaas habang nag-iinuman sa pampublikong lugar.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga naarestong personalidad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here