Arestado ang 50 katao sa lungsod ng Pasay sa dahil sa iba’t-ibang paglabag.

Sinabi ni Police Lt. Col. Deanry Francisco, karamihan sa mga naaresto ay lumabag sa ordinansa ng lungsod gaya ng pag-inom sa kalsada.

Kabilang sa naaresto ang tatlong Chinese national dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar.

Ilan din sa naaaresto ay dahil sa paglabag sa iligal na droga habang ang iba ay sa kaso ng pagnanakaw.