-- Advertisements --

CEBU CITY – Kinumpirma ng pamunuan ng Basilica Minore del Sto. Niño sa Lungsod ng Cebu na nahawaan ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ang lima sa kanilang nasasakupan.

Ayon sa media liason officer ng simbahan na si Fr. Aladin Luzon, una nang isinailalim sa swab test ang 41 personnel ng naturang simbahan at kabilang sa mga nagnegatibo ang mga kasamahan nitong pari.

Sinabi rin nito na karamihan sa mga nahawaan ay “asymptomatic” at naka-isolate sa loob ng compound kaya naman isinara muna ang simbahan sa publiko kamakailan lang.

Bukod sa malawakang disinfection, tumalima naman ang sikat na simbahan sa mga health protocols kagaya ng contact tracing at repeat testing sa mga pasyente.

Umaasa ang pamunuan ng Sto. Niño sa Cebu na magiging malakas ang pangagatawan ng mga pasyente at magnegatibo sa repeat test.

-- Advertisement --