Reading Time: 1 minute

Kinilala na ng Manila Police District (MPD) ang limang suspek na nanboob sa Metro Bank sa Binondo sa Maynila.

Ayon kay MPD District Director Brigadier General Vicente Danao Jr., kabilang sa mga suspek sina:

  • Marlon Parojinog, leader
  • Noli Bonifacio Casuela
  • Jing-jing Mofan
  • Michael Calunod
  • Frederick Secretario

Ipinakita naman sa pulong ng peace and order council ni Danao ang mga mukha ng nasabing persons of inteest na aniya ay kanila ring ipakakalat sa iba pang mga istasyon ng pulisya.

Una rito, kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakikipag-ugnayan ang mga opisyal ng Metrobank Branch sa Binondo, Maynila sa kanya kaugnay ng naganap na insidente.

Dahil dito, hindi pa rin niya masabi kung magkano talaga ang halaga ng perang natangay.

Sa harap nito, bagaman nagkakaroon na rin sila ng pagdududa kung inside job ang panloloob, ayaw pa muna nila itong ihayag kasunod anya ng nagpapatuloy pang imbestigasyon.