Manchester England
Manchester England

Sugatan ang limang katao matapos na sila ay pagsasaksakin sa isang shopping mall sa Manchester, northwest England.

Naganap ang insidente sa Arndale Center kung saan isang lalaki na may dalang malaking kutsilyo at pinagsasaksak ang mga nakakasalubong nito.

Sinabi ni Assistant Chief Constable Russ Jackson ng Greater Manchester Police na ilan sa mga biktima ay nasa grabe ang kalagayan.

Itinuturing naman ng mga otoridad na isang uri ng terror act ang nasabing insidente.