Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Isinugod sa ospital ang limang kataong nasugatan sa pagkahulog ng kanilang sinasakyang kotse sa bangin sa pagitan ng Purok Kudirao Loakan Proper at Loakan Liwanag, Baguio City.

Nakilala ang driver na si Conrad Ofo-ob Allikoy, 24-anyos na residente ng No. 45 Atok Trail ng siyudad.

Natukoy naman ang mga nasugatang sina Jomar Todo; Reniel Cawilan Ganayon, 34; Lawrence Ya-os Aquino Jr, 33; at si Angelo Balanao, 22.

Batay sa report, patungo sana ang sasakyan sa Kennon Road nang mawalan ng kontrol ang driver sa manibela na nagresulta sa pagkakahulog ng sasakyan sa bangin na may lalim na 25 talampakan.

Sa pagresponde ng mga kinauukulan, itinakbo sa Baguio General Hospital and Medical Center ang mga sugatan.