Reading Time: 1 minute

Nag-iwan ng limang kataong sugatan ang natibag na lupang bahagi ng construction site sa Barangay San Martin, Bicutan, Taguig City.

Ayon kay Dominador Obligar, executive officer ng Barangay San Martin, agad namang naisugod sa ospital ang mga biktima at nasa maayos nang kalagayan.

Sinasabing pagtatayuan ng walong palapag na gusali ang pinangyarihan ng pagguho.

Posible umanong lumambot ang lupa sa lugar dahil sa malakas na pag-ulan kagabi, na nagdulot pa ng baha sa ilang bahagi ng Metro Manila.