GENERAL SANTOS CITY – Panibagong limang rebelde na magkakamag-anak ang sumuko matapos ang matagal ng pakikipag-giyera laban sa militar.

Nakilala ang mga ito na sina Larry Londong, 55 , Nara Londong, Busog Binagan 23 anyos; Noli Londong 18 at Loli Londong, 40 anyos na mga kasapi ng Guerilla Front 73 ng New People’s Army(NPA).

Kasabay ng kanilang pagbabalik-loob ay isinuko din nila ang mga matataas na kalibre ng baril tulad ng M16 rifle, M79, caliber 45 pistol at caliber 22 rifle.

Kung maalala na noong nakaraang linggo ay sumuko sa militar ang mga NPA members sa ilalim ni Nicanor Pason alias Kumander Ronron na nag-ooperate sa bulubunduking bahagi sa bayan ng Maasim, Kiamba at Maitum at Lake South Cotabato.

Kaagad namang isinailalim sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan ang mga sumukong NPA para sa ibibigay sa kanilang tulong para muling makapamuhay ng normal.