-- Advertisements --

Umakyat na sa lima ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng Philippine National Police (PNP) dahil sa COVID-19.


Pumalo na rin sa 373 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Ito ay batay sa inilabas na datos ng PNP Health Service.

Samantala, aabot naman sa 1,476 ang bilang ng Persons Under Investigation (PUI) ng PNP kung saan, 716 dito ang nasa probable cases habang 760 naman ang suspected cases.

-- Advertisement --

Gayunman, aabot na sa 208 ang kabuuang bilang mga recoveries o gumaling sa sakit dulot ng COVID 19 sa hanay ng PNP.

Subalit nananatiling tahimik naman ang pamunuan ng PNP kung ang ika-limang nasawi dahil sa COVID-19 ay ang doktor mula sa PNP health service na si Dr. Casey Gutierrez o isa rin sa mga Police Frontliner.

Si Gutierrez ay nasawi dahil na exposed ito sa hazardous chemicals.