Pumalo na sa limang indibidwal ang nasawi habang 45 ang arestado simula ng ikinasa ang nationwide checkpoint operations sa pagsisimula ng election period.

Ito ay batay sa datos na inilabas ng PNP national election monitoring and action center o NEMAC.

Noong Linggo, January 13,2019 nagsimula ang election period.

Ang nasabing datos ay resulta ng mahigit na 6200 na ikinasang checkpoint operations ng PNP at AFP sa buong bansa.

Nahuli ang mga nasabing indibidwal sa ibat ibang operasyon kagaya ang apat na nahuli mula sa search warrant, 40 ang naaresto sa police patrol, 11 naman sa oplan bakal, sita at galugad.

Nasa 47 na mga baril ang nakumpiska ng PNP sa ngayon.

Habang 16 ang mga nakumpiskang Sumpak/Improvised/Homemade/Paltik, at replica ng baril.
Pumalo naman sa 311 ang bilang ng mga nakuhang mga deadly weapon.

Sa huli, patuloy na kumukuha naman ng kumpirmasyon ang PNP sa walong mga insidente ng pinaniniwalaang Election Related Incidents.