Nagtala ng limang kataong patay sa pagbaha sa southern China.

Maraming mga kabahayan at pananim ang nasira dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Mahigit dalawang milyong mga katao naman ang naapektuhan kung saan maraming mga kalsada at tulay ang nasira.

Nalubog naman sa baha ang malaking bahagi ng Guizhou province.

Inilikas naman ang may 150,000 residente ng Jiangxi province dahil sa pagbaha.