Nasa limang katao ang patay matapos ang naganap na missile attack sa Yemen.

Target ng nasabing missile ang military parade sa graduation ceremony ng mga bagong recruits ng Security Belt force sa bayan ng al-Dhalea.

Sinisi naman ng mga otoridad ang Houthi rebels na nasa likod ng nasabing atake.

Bagamat hindi nagkomento ang rebeldeng grupo ay sila rin ang nasa likod pang-aatake sa Security Belt forces graduation noong Agosto na ikinasawi ng mahigit 39 iba pa.