Libya
LIbya

Patay ang limang doktor sa naganap na airstrikes sa isang pagamutan sa Tripoli, Libya.

Ayon sa health ministry spokeman na ang eroplanong nagsagawa ng airstrikes ay mula sa Khalifa Hafta grupo ng mga tumiwalag na general ng Libyan National Army.

Nagkaroon ng kaguluhan ang Libya mula ng matanggal sa puwesto ang kanilang long-time leader Muammar Gaddafi noong 2011.

Bukod sa mga nasawi at nasugatan ang pitong katao kabilang ang mga rescuers.