ILOILO CITY – Patay ang isang lalaki na armado ng rifle at pagala gala sa labas ng mga eskwelahan matapos binaril ng mga pulis sa Toronto, Canada.
Ayon kay Bombo International Correspondent Vincent John Lozada, direkta sa Canada, nangyari ang insidente sa Maberley Crescent at East Avenue.
Anya, lumabas sa pagsisiyasat ng Special Investigations Unit na armado ng rifle ang lalaki na nasa 20’s ang edad at ng sinita ng mga pulis, hindi ito tumigil hanggang sa kanila itong binaril.
Ayon naman kay Toronto police Chief James Ramer, narekober sa lugar ang long barrel firearm na hawak umano ng lalaki.
Ni-lockdown naman ang limang mga eskwelahan malapit sa lugar kasunod ng insidente.
Ang insidente ay nangyari dalawang araw matapos ang pamamaril sa Texas, USA kung saan patay ang 21 katao kabilang na ang 19 na mga kabataan.