BAGUIO CITY – Lubos ang pasasalamat ng limang Lucky Summer Visitors 2019 sa pagtatapos ng kanilang pamamasyal sa iba’t ibang bahagi ng Baguio City at Benguet.

Sa pagtatapos ng kanilang adventure sa City of Pines at sa Benguet ay isinagawa ang isang programa para sa mga lucky visitors.

-- Advertisement --

Nabigyan pa sila ng pagkakataon na libutin ang Baguio City Public Market at dito nila natunghayan ang iba’t ibang produkto na ipinagmamalaki ng lungsod.

Nakibahagi pa sila sa Tree Planting Activity sa Media Camp, Burnham Park at nakapagtanim sila ng pitong pine trees sa palibot ng lugar.

Isinagawa ang tradisyunal na send-off ceremony para sa mga lucky summer visitors bago ang pagbalik nila sa Metro Manila.