BACOLOD CITY – Nahuli na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang limang detainees na tumakas sa Manjuyod District Jail sa Negros Oriental nitong Lunes.

-- Advertisement --

Sa inilabas na statement, inihayag ni BJMP Region 7 Director Jail CSupt. Paulino Moreno Jr. na ang dalawang “persons deprived of liberty” (PDLs) na sina Janly Callao at Ronie Flores ay sumuko matapos ang negosasyon sa kanilang pamilya.

Ang iba namang pumuga na sina Joseph Casido, Julan Paculanang, at Lito Pedro ay nahuli sa hot pursuit operation ng pinagsanib na pwersa ng BJMP Region 7 at Tayasan Police Station.

Ang mga PDL ay ikukulong sa Bais City Jail at Dumaguete City District Jail sa halip na ibalik sa Manjuyod District Jail.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng BJMP kaugnay sa pagtakas ng mga inmates matapos nilang sirain ang dingding ng kulungan.