Tinanggap kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng virtual presentation ang credentials ng limang ambassadors ng iba’t ibang bansa.

Kabilang dito si Peter Francis Tavita Kell, Ambassador-Designate of New Zealand to the Philippines na nasa Diamond Hotel sa Maynila habang si Pangulong Duterte naman ay nasa Malacañang Golf (MALAGO) Clubhouse in Malacañang Park.

Kasama ni Amb. Kell sina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin, Jr. at Assistant Secretary Porfirio Mayo, Jr.

Kaparehas na set-up din ang pagtanggap ni Pangulong Duterte sa credentials nina Peter James MacArthur, Ambassador-Designate of Canada to the Philippines; Alireza Tootoonchian, Ambassador-Designate of the Islamic Republic of Iran to the Philippines; Hoàng Huy Chung, Ambassador-Designate of the Socialist Republic of Vietnam at Saleh Asa’ad Fhied Mohammad, Ambassador-Designate of the State of Palestine to the Philippines.