Arestado ang limang indibidwal sa isinagawang anti-drug operations sa Tondo, Maynila.

Nakuha sa mga suspek ang 20 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,000.

Naaresto sa operasyon ang target na nasa drugs watchlist ng Jose Abad Santos Police.

Inihanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa mga suspek.