-- Advertisements --

Umabot sa 4,496 na bagong COVID-19 infections ang naitala sa bansa, na sa kasalukuyan ay may total case load nang 2,731,735.

Ayon sa Department of Health, hindi pa kasama sa naitalang bagong COVID-19 infections ang datos mula sa pitong laboratoryo na bigong makapagsumite ng kanilang data.

Ang naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 na iniulat ng DOH ngayong hapon ay pinakamababa mula noong Hulyo 28, kung saan naitala ang 4,478 new infections.

Ang mga karagdagang kaso na ito ang dahilan para sumirit pa sa 63,637 ang bilang ng mga active cases o iyong nagpapagaling pa sa kasalukuyan, pero pinakamababa naman mula noong Agosto 1 nang maitala ang 63,649 active cases.

Sa naturang bilang naman, 79 percent ang mild cases, 5.2 percent ang asymptomatic, 2 percent ang critical, 4.8 percent ang severe at 8.97 percent ang moderate.

-- Advertisement --

Samantala, ang death toll naman ay umakyat sa 40,972 matapos na madagdagan ng 211 na bagong fatalities, pinakamataas mula noong Oktubre 12.

Ang total recoveries sa ngayon ay umakyat naman sa 2,627,126 kabilang na ang 9,609 na bagong gumaling.