Naniniwala ang 44% ng mga Pilipino na gaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan base sa resulta ng survey mula sa Social Weather Stations (SWS).
Tinukoy ng SWS ang nasabing mga responders bilang positibo.
Nasa 7% naman ng mga respondent ang nagsabi na lalala pa ang kanilang pamumuhay sa parehong period na iniuri bilang pessimists habang nasa 6% ng respondents ang hindi nagbigay ng kasagutan.
Ang bahagyang pagbaba ng bilang ng mga positibo ang pananaw sa buhay ay mula sa Mindanao gayundin bumaba ang net personal optimism sa Metro Manila at Visayas.
Habang nagiisa naman ang Balance Luzon na tumaas ang net personal optimism score na umabot sa +44 noon Marso 2024 mula sa +40 noong Disyembre 2023.
Isinagawa ang naturang survey noong nakalipas na Marso 21-25 ng taong kasalukuyan sa 1,500 adults edad 18 anyos pataas sa buong bansa.