-- Advertisements --
Usec Vergeire July 8
DOH spokesperson Usec. Maria Rosario Vergerie

Nakapagtala ang Department of Health ng record high number of recoveries na umabot ng 4,352 dahilan upang pumalo na ang kabuuang bilang ng recoveries sa 20,371.

Habang ngayong araw din naitala ang pinakamababang kumpirmadong kaso ng COVID-19 simula noong July 2. Mayroon lamang 836 additional cases ngayong araw kung kaya’t sumampa na sa 57,006 ang kaso ng deadly virus sa bansa.

Nasa 749 dito ang fresh cases kung saan 476 ay mula sa NCR, 8 ang mula sa Region 7 habang 265 naman ang galing sa iba’t ibang rehiyon. 87 naman ang late cases.

Nadagdagan naman ng 65 COVID related deaths kung saan nasa 1,599 na ang total fatalities sa bansa.

Ang datos na inilabas ng DOH ay base lamang sa 57 out of 82 laboratories.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy na nakakakita ang ahensya ng pagtaas ng kaso sa NCR at Cebu matapos luwagan ang quarantine measures sa ilang lugar simula noong nakaraang buwan.

Sa kabila nito ayon sa kalihim ay nag-improve ang case doubling time ng 8.18 days nationwide. Ibig sabihin lamang nito ay mas humahaba na yung panahon na dumodoble ang bilang ng kaso na kanilang naitatala.

Kaugnay nito ay nagbabala naman ang isang eksperto mula sa University of the Philippines Institute of Mathematics na posibleng umabot sa 80,000 ang kaso ng deadly virus sa bansa bago matapos ang buwan ng Hulyo.

Ayon kay UP professor Dr. Guido David na nakakita sila ng biglaang pagtaas ng infection rate sa National Capital Region sa pamamagitan ng mga indicators na kanilang ginamit tulad ng positivity rate, hospitalization rate, at number of cases.

Hindi rin umano nila inirerekomenda sa gobyerno na isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Metro Manila dahil hindi raw malabo na mas lumala pa ang kasalukuyang sitwasyon sa oras na ituloy ito.

doh 2
doh 1