Aminado si Vhong Navarro na may pag-alinlangan ito sa tuwing mapag-uusapan kung bubuo pa ba sila ng misis ng sariling tsikiting.

Ayon sa 43-year-old TV host/comedian, hindi naman sa takot ngunit kapwa iniisip nila ng 37-year-old wife na baka napag-iwanan na sila ng panahon.

Bakas din ang pangamba nito sa lagay daw ng kanyang career na baka kampante lang ito, ngunit baka biglang maglaho na lamang.

“It also had us thinking: We would be at a certain age and our child would still be too young,” saad ni Navarro.

November noong nakaraang taon nang ikasal si Vhong sa noo’y girlfriend of 11 years na si Tanya Winona Bautista.

Bukod sa pagiging resident writer ng Kapamilya Network, higit na nakilala ng publiko si Tanya dahil sa “unconditional love” kay Vhong noong madawit sa kontrobersya sa negosyanteng si Cedric Lee at aspiring actress na si Deniece Cornejo.

Si Vhong o Ferdinand Hipolito Navarro sa tunay na buhay, ay mayroon nang dalawang anak na edad 22 at 24 sa dating celebrity wife na si Bianca Lapus.

Si Navarro ay tampok sa comedy movie na “Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim,” isa sa entry ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Una nang ibinunyag ng dati niyang co-host na si Billy Crawford na dumanas ng depresyon at ikinonsiderang mag-migrate na lamang sa Amerika, kasunod ng pagsasara ng kinabibilangang TV network dahil nataong kakabuo lang nila ng pamilya ni Coleen Garcia.