-- Advertisements --

Patay ang nasa 43 katao matapos na sila ay pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Maiduguri, Nigeria.

Sinabi ni Sokoto Governor Aminu Waziri Tambuwal, nangyari ang pang-aatake habang abala ang mga tao sa pamamalengke.

Pinalibutan ng mga armadong suspek ang palengke at walang habas na pinagbabaril ang mga tao doon.

Humiling na lamang ang gobernador ng karagdagang sundalo at kapulisan sa lugar para agad na maaresto ang mga suspek.