Hindi nagpatinag ang Indiana Pacers sa opensibang ipinamalas ni Karl-Anthony Towns para maipanalo ang laro kontra Minnesota Timberwolves, 122-115.

Naitaas ni Towns ang scoreboard sa 42 points sa 15 of 29 shooting bukod pa sa 17 rebounds, at apat na assists na kanyang nagawa, pero tinapatan ito ng Pacers sa opensibang ipinakita rin ni Bojan Bodanovic, na may 37 points.

Dahil sa panalong ito, nawakasan ng Pacers ang kanilang two-game skid.

Samantala, talo naman ang Timberwolves sa back-to-back games.