Sinisikap na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makompleto sa lalong madaling panahon ang mga dokumento ng mga ipapa-repatriate mula sa China sa gitna ng banta ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (n-cov ARD).

Sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development nitong araw, sinabi ni Usec. Brigado Dulay ng Civilian Security and Consular Concern ng DFA, 42 Pilipino mula China ang nais umuwi ng bansa sa pamamagitan ng repatriation program ng gobyerno.

-- Advertisement --

Sa ngayon, patuloy aniya ang kanilang pagkuha ng mga clearance mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ng China para sa pagpapa-uwi ng mga Pilipino kasunod na rin nang paghihigpit sa protocols laban sa 2019 n-cov ARD.

Sa oras na makarating na sa Pilipinas, sinabi ni Dulay na sasailalim sa quarantine ang mga Pilipinong ito para na rin matiyak ang hindi pagkalat ng sakit.