Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na umabot sa 40 eskwelahan ang naapektuhan ng yumanig na magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato nitong Martes.

Batay sa latest situation report ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service, lalawigan ng Sarangani ay pinaka-maraming bilang ng apektadong eskwelahan sa 17.

Sinundan ito ng Cotabato sa 11, apat sa Koronadal, tatlo sa Kidapawan City, dalawa sa Digos City at tig-iisa sa Davao del Sur, North Cotabato at South Cotabato.

Sa kabuuang tala ng Education department aabot sa halos 4,000 eskwelahan ang naapektuhan mula sa 17 school divisions.

Higit 2,000 mula sa walong dibisyon nito sa Region 12 ang nagsuspinde ng klase.

Nangako naman ang DepEd na tutukan ang sitwasyon at agad magaabot ng tulong sektor ng edukasyon sa mga apektadong lugar sa Mindanao.