GENERAL SANTOS CITY- Nasa 40 lechon ang pagsasaluhan ng 1,500 katao nitong araw kasabay ng 10th Lechon Festival sa lungsod.

Ayon kay Chester Warren Tan, ex-President ng South Cotabato Swine Producers Association (Socospa) na ang nabanggit na mga lechon ang ibinigay ng kanilang mga miyembro upang sabay-sabay na kainin bilang bahagi ng event na mayrrong tema na “Lechon Fun Boodlefight.”

Dagdag pa nito, ipaparada muna ang mga lechon na niluto ng mga lechoneros sa GenSan bago pagsasaluhan.

Ang Socospa at ang LGU-GenSan sa pamamagitan ng City Veterinary Office ang maghi- highlight ng hog industry sa lungsod at ilang mga kalapit na lugar.

Nitong araw rin ang selebrasyon ng Socospa sa kanilang ika-29th foundation anniversary.