LEGAZPI CITY – Suwerteng nasugatan lamang ang apat na menor de edad matapos tumilapon sa ferris wheel sa Sitio Buang, Barangay Rawis sa bayan ng Donsol, Sorsogon.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Legazpi, nabatid na isang carnival na pag-aari ng mag-asawang Jessi Dancel at Gemma Ventura ang nag-o-operate sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.

Nabatid na walang safety harness ang apat na biktima kaya tumilapon ang mga ito at nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Kaagad naman silang naitakbo sa pagamutan.

Sa kasalukuyan ay ipinasara na rin ang naturang disney ride para sa nagpapatuloy na inspeksyon ng mga otoridad.

Ayon sa ilang mga nakasaksi sa pangyayari, nahulog ang isang metal fence ng ride na nagdulot ng aksidente.

Sa kasalukuyan ay nagpapagaling pa ang mga biktima mula sa tinamong injuries.