Reading Time: 1 minute

NAGA CITY- Sugatan ang apat katao sa banggaan ng isang tricycle at jeep sa Barangay Santiago Young, Nabua, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na habang binabaybay ng tricycle na minamaneho ni Orlando Baynado ang kalsada sa naturang lugar ng aksidenteng mabangga ng pampasaherong jeep na minamaneho naman ni Niño Rowe Aguilar, 27.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang driver at tatlong pasahero ng tricycle na agad namang isinugod sa ospital.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang driver ng jeep para sa karampatang disposisyon habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.