CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang apat katao sa pamamaril ng mga armadong kalalakihan sa Cotabato City.

Unang tinambangan sina James Pangilan at Bainare Pangilan habang sakay sila ng Payong-payong na motorsiklo.

Swerteng hindi tinamaan ng bala ang tatlo nilang mga menor de edad pa na mga anak.

Habang nag-iimbestiga ang mga pulis sa pananambang sa mag-anak sa Brgy Tamontaka 3 sa lungsod ay nakarinig sila ng mga putok ng armas.

Kung saan pinaputukan ng mga hindi kilalang mga armadong kalalakihan ang isang D4D Van at nasugatan sina Anas Naga,driver at kasama niya na si Datu Ameer Diocolano.

Kahit sugatan ang mga biktima ay nagawa pa nitong patakbuhin ang Van patungo sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC)habang mabilis na tumakas ang mga suspek.

Sa ngayon ay ligtas na ang mga biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP.