GENERAL SANTOS CITY – Kaagad inilagay sa isolation ang apat na miyembro ng General Santos City Police na nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni GenSan City Police head Police Col. Edilberto Tuzon na ang apat ay kinabibilangan ng dalawang babae at dalawang lalaki na may edad 35 taong gulang habang ang tatlo ay nasa 45, 46 at 48.

-- Advertisement --

Ang apat na pulis ay kasama sa 18 bagong nagpositibo sa COVID-19 kasama na ang isang dalawang taong gulang na bata base sa data na inilabas ng Department of Healht (DoH) Center for Health and Development Socsargen area.

Dahil dito umakyat na sa 1,956 ang nagpositibo dito sa lungsod habang nasa 128 pa ang aktibong kaso habang 77 ang namatay gayong 1,751 ang mga nakarekober.

Sa buong rehiyon may 5,485 na kaso habang 4,480 ang nakarekober habang 193 na ang namatay.