Reading Time: 1 minute
Negros Oriental
Negros Oriental

Tinutugis na ng mga kapulisan ang grupo ng New People’s Army (NPA) na pumaslang sa apat na pulis sa Sitio Yamot, Barangay Mabato sa bayan ng Ayungon, Negros Oriental.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Negros Oriental Provincial Police Office (NORPPO) lulan ng dalawang motorsiklo ang mga pulis nang sila ay biglang pinagbabaril ng armadong mga suspek.

Isang police corporal at tatlong patrolman ang mga biktima na miyembro ng Regional Mobile Force Safety Battalion sa Barangay Mabato sa bayan ng Ayungon.

May layong 84 kilometero ang Barangay Mabato kung saan nangyari ang insidente mula sa Dumaguete City.