ROXAS CITY – Sugatan na isinugod sa ospital ang apat na katao na sakay ng tricycle matapos aksidenteng nabangga ng isang sasakyan sa Arnaldo Boulevard, Barangay Baybay sa Roxas City.

Kabilang sa mga nasugatan ang tricycle driver na si Ryan Esmolayan ng Barangay Tico, Panay; kasama ang mga pasahero na sina sanday Grace Borlio; 31-anyos; anak na si Rose Ann, tatlong taong gulang ng Sitio Altavas, Arnaldo Boulevard, Barangay Baybay; at Aryan Borlio 17, ng Barangay Tabuc, Pontevedra.

Habang binabaybay ng tricycle ang kalsada, aksidenteng nabangga ng Toyota Cruiser wagon na minamaneho ng isang Ambrocio Borda ng Barangay Lawaan, Roxas City, ang likurang bahagi ng tricycle.

Dahil sa impact, tumilapon pa ang mga biktima sa kalsada.