Reading Time: 1 minute

Patay ang apat na katao matapos ang naganap na pang-aatake ng armadong kalalakihan sa isang prosesyon sa Burkina Faso.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, hinarang mga armadong suspek ang grupo ng mga mananampalataya sa isang prosesyon sa Zimtenga.

Sinunog pa ng mga armadong suspek ang statwa ni Virgin Mary.

Ang nasabing pang-aatake ay naganap ilang araw matapos ang anim na katao kabilang ang isang pari ay pinagbabaril sa isang simbahang Katolika sa Dablo sa nasabing bansa.