Patay ang apat na katao matapos ang banggaan ng dalawang floatplanes sa Alaska.

Ang mga pasahero ay mula sa Princess Cruises ship.

Bukod sa apat na namatay ay dalawang biktima pa ang naitalang nawawala.

Lulan ng isang piloto at apat na pasahero ang isang float plane na nagsasagawa ng independent tour.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa insidente.