AILOILO CITY- Apat ang patay sa nangyaring salpukan ng dalawang motorsiklo sa Concordia, Nueva Valencia, Guimaras.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Alvin Gamlanga, 18; Jomari Trono,18 na pawang residente ng Talisay, Poblacion Nueva Valencia, Guimaras; Bauy Castor,21, ng Tapaz, Capiz ngunit pansamantalang naninirahan sa Oracon, Nueva Valencia, Guimaras at Andy Magon ,15, at residente ng nasabi ring lugar.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Police Staff Sergeant Rey James Gallego, hepe ng Nueva Valencia Municipal Police Station , sinabi nito na papunta sina Gamlanga at Trono sa San Miguel, Jordan, Guimaras upang makisaya sa Manggahan Festival habang sina Castor at Magon naman ay sinasabing nanggaling sa isang inuman.

Dahil sa malakas na head-on collision ng dalawang motorsiklo, nagtamo ng matinding sugat ang mga biktima na naging dahilan ng kanilang pagkamatay.