Reading Time: 1 minute
Mumbai
Mumbai India

Nasa apat katao ang patay sa pagguho ng four-storey building sa Mumbai, India.

Mahigit 30 katao pa ang na-trapped sa nasabing pagguho.

Hindi pa malaman ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagguho.

Sinasabing mahigit 100 taon na ang gusali at dahil sa patuloy na pag-ulan kaya ito bumagsak.

Agad naman na nagpaabot ng pakikiramay si Indian Prime Minister Narendra Modi sa mga pamilya ng mga nasawing bikitma.